Nilalaman sa ibang mga wika
Ang bersyong Tagalog ng website ng Kagawaran ng Pagmamarka at Tasasyon (RVD) ay naglalaman lamang ng napiling kapaki-pakinabang na impormasyon. Maaari mong ma-akses ang buong nilalaman ng aming website sa Ingles, Tradisyonal na Tsino, o Pinasimpleng Tsino.
Ang mga pangunahing responsibilidad ng RVD ay:-
- Pagtatasa ng mga ari-arian sa mga rate at Upa sa Pamahalaan sa ilalim ng Ordinansa sa Rating (Kap. 116) at ng Ordinansa sa Upa sa Pamahalaan (Pagtatasa at Koleksyon) (Kap. 515);
- Akawnting at pagsingil ng mga rate at Upa sa Pamahalaan;
- Pagbibigay ng mga serbisyo sa tasasyon ng ari-arian sa mga tanggapan/kagawaran ng pamahalaan;
- Pagbibigay ng impormasyon sa ari-arian sa mga tanggapan/kagawaran ng pamahalaan, mga pampublikong katawan at pribadong sektor;
- Pangangasiwa ng Ordinansa ng May-ari ng Lupa & Umuupa (Konsolidasyon) (Kap.7); at
- Pagbibigay ng mga serbisyo sa pagpapayo at tagapamagitan sa publiko tungkol sa mga bagay na tungkol sa may-ari ng lupa at umuupa na may kinalaman sa mga residensyal na ari-arian.
Bahagi IVA ng Ordinansa ng May-ari ng Lupa at Umuupa (Konsolidasyon)-Tinataguyod na Pamamalagi sa mga Nahating Yunit
Bahagi IVA ng Ordinansa ng May-ari ng Lupa at Umuupa (Konsolidasyon) ("ang Ordinansa") ay naging epektibo noong 22 Enero 2022. Ang bawat kinokontrol na pag-upa ay para sa isang termino na 2taon. Maliban kung nasa mga pangyayari na tinukoy sa Bahagi IVA ng Ordinansa, hindi maaaring wakasan ng may-ari ng lupa ang pag-upa bago matapos ang termino. Ang isang tinataguyod na siklo ng mga tenante para sa isang nahating yunit (SDU) ay bubuuin ng 2 sunud-sunod na tinataguyod na pamamalagi (tulad ng unang termino ng pag-upa at pangalawang termino ng pag-upa) para sa SDU. Ang nangungupahan ng unang termino ng pag-upa para sa isang SDU ay may karapatang bigyan ng pangalawang termino ng pag-upa sa tinataguyod na siklo, kaya't magkakaroon ng kabuuang 4 na taon (unang termino ng 2 taon + pangalawang termino ng 2 taon) ng katiyakan sa paninirahan.
Maaari kang sumangguni sa sumusunod na impormasyon para sa mga pangkalahatang sanggunian.
Polyeto sa mga Paglabag & Mga Reklamo (file pdf)
Poster Upang Malaman ang Mga Karapatan at Pesponsibilidad (file pdf)
Poster ng mga responsibilidad ng May-ari ng Lupa (file pdf)
Poster ng Mga Karapatan ng Nangungupahan (file pdf)
"Tinataguyod na Pamamalagi" sa Isang Sulyap (file pdf)
Polyeto ng Pangalawang Termino na Pag-upa (file pdf)
Poster ng Pangalawang Termino na Pag-upa (file pdf)
Sa kaso ng pagkalito o pagkakaiba, mananagi ang mga bersyon ng Tsino at Ingles.
Kung nangangailangan ka ng partikular na suporta sa wika para sa mga katanungan sa mga usapin sa pangungupahan na may kaugnayan sa bahagi IVA ng Ordinansa ng May-ari ng Lupa at Umuupa (Konsolidasyon), mangyaring tawagan ang hotline sa telepono para sa interpretasyon (nakalista sa ibaba) ng Sentro para sa Harmoniya at Pagpapaunlad ng mga Residente ng Etnikong Minorya (CHEER). Ang mga interpreter ay gagawa ng isang conference call para sa iyo kasama ang mga opisyal RVDupang magbigay ng interpretasyon para sa iyo.
Mga Wika | Hotline |
---|---|
Bahasa Indonesia | 3755 6811 |
Nepali | 3755 6822 |
Urdu | 3755 6833 |
Punjabi | 3755 6844 |
Tagalog | 3755 6855 |
Thai | 3755 6866 |
Hindi | 3755 6877 |
Vietnamese | 3755 6888 |
Mga serbisyo sa interpretasyon at pagsasalin na inayos mula Abril 2023 hanggang 2024 (file pdf)
Umiiral at nakaplanong mga hakbang sa pagsulong ng pagkakapantay-pantay ng lahi (file pdf)
